Tula

Pag-asa at Inspirasyon


Ginang Teresita, ang nagsilbing aking ikalawang ina noong ako ay elementarya. 
Nais ko lamang ipabatid ang aking pasasalamat gamit ang tulang ito.
Sa pagkakaroon mo ng busilak na puso.
At pagiging mapagpasensya sa amin na iyong itinuring na ring mga anak.

Naalala kopa noong ako'y puno ng takot at pangamba.
Ikaw ang nagsilbing inspirasyon sa tuwing ako'y tumutumba at wala ng makapitan.
Nakakatawa, sapagkat sa simpleng “Kaya mo yan” galing sayo ay tila ba nabigyan ako ng panibagong pag-asa,
Na nagsilbing tulay ko upang abutin ang aking mga tinatamasa.

Sa pagraan ng mga panahon habang unti unti 'kong naabot ang aking mga pangarap.
Lagi aking tumitingila sa langit.
At Ipinagpapasalamat sa Diyos na ikaw ang isa sa aking naging dahilan. 
Upang ipagpapatuloy ang aking nasimulan. 

Ngiti sa iyong mga labi ang isa sa mga nagbibigay lakas ng loob sa amin.
Nasubaybayan mo ang aming paghihirap at sakripisyo. 
At nakita rin namin kung gaano ka kapursigido,
At gaano mo kamahal ang pagiging isang guro.

Ginang Teresita, ako ay patuloy na nagpapasalamat sa lahat ng itinuro mo sa akin.
Tinuruan mo ako hindi lamang pagdating sa mga alintuntunin ngunit pati na rin sa kagandahang asal at kung paano mangarap.
 At higit sa lahat tinuruan mo ako kung paano maging mapagpasensya sa lahat ng paghihirap. Maraming Salamat.



Comments

Popular posts from this blog

A Teacher's Tale